We observe that many Filipino families rely on church groups to pray the novena when someone dies.
These groups, however, are sometimes engaged with other activities that they cannot visit the dead everyday for nine straight days. We encourage all Filipino families to start the novena on the day their beloved dies, with or without the prayer group from the local church. A copy of the Novena for the Dead is available at St. Paul's outlets in many SM Malls (you can also email jbalcoreza@yahoo.com for a .pdf copy if you wish).
Here's the Filipino translation, which is harder to find in bookstores:
Lahat : O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa Iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap ng impiyerno, ngunit lalo pa't ang kasalanan ay nakakasakit sa kalooban Mo, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang parusang hatol at sa tulong ng Iyong biyaya ay magbabagong buhay. Amen.
Pinuno : Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Lahat : Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Pinuno : Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Lahat : Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay.
Pinuno : Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo,
Lahat : Kapara noong unang-una, ngayon, magpasawalang-hanggan. Amen.
Unang Dekada
Lahat : Panginoon, buksan Mo ang aming mga labi. Pagningasin Mo ang aming mga puso at punawin sa mga ito ang anumang kasamaan. Liwanagin Mo ang aming mga pag-iisip, upang mapagnilayan naming nang may pitagan ang Iyong pagpapakasakit at kamatayan, at ang mga sakit na tiniis ng Iyong kamahal-mahalang Ina. Dinggin Mo ang aming mga panalangin at tanggapin Mo kami, Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.
Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na si _____, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.
Sa mga butil ng Santo Rosaryo sa bawat dekada, sabihin ang sumusunod:
Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni _____.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak sa belo ni Veronica, *
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad sa Iyong sugatang katawan, *
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y umagos ang dugo at tubig, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
Pinuno : Pagkalooban Mo ang kaluluwa ni _____ ng walang hanggang kapahingahan, O Panginoon.
Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa siya.
Lahat : Amen.
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
Ikalawang Dekada
Lahat : Panginoon naming lubos na mapagmahal at maawain, buong pagpapakumbabang dumudulog kami sa Iyo sa ngalan ni _____ na Iyong tinawag na mula sa daigdig na ito. Huwag Mo siyang hayaang mapasa-kamay ng kaaway at kailanma'y huwag Mo siyang limutin. Utusan Mo ang mga Banal na Anghel na dalhin siya sa paraisong kanyang dapat hantungan, sapagkat siya'y lubos na nanalig at umasa Iyo. Nawa'y hindi niya maranasan ang sakit ng impiyerno, kundi'y magkamit ng walang hanggang kaligayahan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesus na Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…
Ikatlong Dekada
Lahat : Maawa ka, Panginoon, sa kaluluwa ni _____, kung kanino'y iniaalay namin itong pagbibigay-puri sa Iyo. Buong kapakumbabaang hinihiling namin sa Iyo, kataas-taasang Diyos, na sa pamamagitan ng mga handog na ito ay maging karapat-dapat siya sa walang hanggang kapahingahan, sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…
Ikaapat na Dekada
Lahat : Hinihiling namin, Panginoon, na ipagkaloob Mo ang kalinisan at kagalingan sa kaluluwa ni _____ na lumisan na sa mundong ito. Ipinapanalangin namin ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan at walang hanggang kapahingahan. Ito'y aming hiling sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…
Ikalimang Dekada
Lahat : Panginoon, hanguin Mo sa lahat ng kasalanan ang kaluluwa ni _____ nang sa pamamagitan ng Iyong tulong at awa ay mailigtas siya sa apoy ng impiyerno at makabahagi sa walang hanggang liwanag. Ipagkaloob Mo po ito sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus…
PANGHULING PANALANGIN
Pinuno: Manalangin tayo.
Lahat : O Panginoon naming Maylikha at Manunubos ng lahat ng nananampalataya, ipagkaloob Mo sa kaluluwa ni _____ ang kapatawaran ng lahat niyang kasalanan. Aming idinadalangin na makamit niya ang kapatawarang lubos niyang ninanais, sa pamamagitan ng Iyong Anak na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa siya.
Lahat : Amen.
For prayer requests and downloadable copies of these and other prayers for the dead, please visit www.knightsofsaintbenedict.wordpress.com.
Thank you for posting this. I just hear what my grandma's praying but i have no copy what they prayed. I will pray this for My mother. I know she's in heaven now. Thank you again.
ReplyDeleteYou are very much welcome.
ReplyDeleteMay the Lord hold your mother in the palm of His hands. If you give us her full name, we can include her in our prayer list for the departed.
Dear Jennifer, thanks for posting. Please know that the prayers for the souls does not only help them. It also helps the soul of the one praying bec. people grow closer to God in fervent prayers. Keep praying for the souls. God loves this apostolate. Be blessed and be holy!
ReplyDeleteNamatay po ang mommy ko kahapon and I just found out today na kailangang magdasal for her soul. Thank you for providing the above prayers. Ngalan po ng mommy ko ay Emma Montes Mamaril. She lost her battle to colorectal cancer at the age of 65 at 1:30pm Ruttonjee Hospital.
ReplyDeleteWe will pray for your mom, Sparrow. If you want a .pdf file of the novena and other prayers for the dead, please email rlamfi@gmail.com.
ReplyDeleteive been searching for this prayer for the dead kasi nga indi kami makakauwi ng basta-basta sa pinas para makadalo at least kahit dito nalang sa malayo makabigay kami ng dasal para sa mga yumao naming mahal sa buhay. Thank you for posting it.
ReplyDeleteHello po. Pinatay po ang papa ko nung 2nd of May.. Gusto ko lng po malaman kung ano pong dapat naming idasal para sa ika ninth day po.. maraming maraming salamat po. Jubi
ReplyDeletePLEASE pO, PWEDE PONG PAHINGI NG COPY IN NG NOVENA PARA SA KALULUWA. ANNIVERSARY PO NG NANAY NGAYON DARATING NA FRIDAY. GUSTO KO PONG HANDUGAN CYANG DASAL DAHIL WALA KAMING COPYA NG DAsAL NA ETO. PAKI SEND PO SA EMAIL KO inotolentz@yahoo.co.uk. maraming salamat po. Inocentes
ReplyDeleteThank you po for posting this prayer. My grandmother passed away today. Naalala ko po may dasal na ginawa sila nun namatay ang mommy ko 2 years ago. Khet NASA webcam Lang sila mama (Lola) nun nwala ang mommy ko dinasalan nmen sya. Now, it's my grandma's time to be with our creator. Bago nga po nag passed away si mama tinatawag Nya ang mommy ko. Sinundo na po sya kasama for sure ng mga angels. God is watching over us. Hindi Nya pinabayang magsuffer ang mama. Kaya den siguro ang mommy nagsundo kasi ayaw nya maranasan ni mama ang ganon hirap ni mommy when she lost her battle to peri-ampullary cancer. Magkakasama na sila nila papa sa heaven. Please include them in your prayers. My grandma Lualhati Dela Cruz, grandpa Lorenzo Dela Cruz and my mommy Araceli Consebido. Thank you and God bless.
ReplyDeleteThanks for posting this, really I need this for this time to help me pray for my mom, last Thursday she dead, Kahit dito ako sa Malayo ay maipagdasal ko sya. Thank you
ReplyDeleteplease pray for my father's soul who died last sept 29, 2012.. what prayer should we pray daily for his soul.. salamat po
ReplyDeleteepifanio r pamaran po ang pangalan ng aking tatay
ReplyDeletemaraming salamat po sa pag post nyo sa prayers na ito. ako po ay namatayan ng 2 anak noong October 17 2012, dahil sa pagkalunod at namatay din po ang aking ama nitong Nov. 9, nahirapan po akong maghanap ng dasal para sa kanila. Itatanong ko lang po kung ito rin po ba ang ginagamit na dasal na pang 40 days? maraming salamat po.
ReplyDeleteMy mom died last june 2009. Yearly ngpapadal po kami for 9 days til the actual date n namatay ang nnay ko... yearly po ba dapat gawin ung cnasabi nilang pa9 n dasal? And tanong ko lang po kasi based dun sa dinadasal nila meron po silang latin n dasal n kasama? Same lang po ba iyon sa dasal n nakapost? Kasi po this year d sila nakapagdasal ng 9days. Kung same lang po pwde kami nalang po ang magdasal aa bahay gamit ang prayer n post po dito. And it will be big help for us.
ReplyDeleteThank you po
Twing anong oras po ito dinadasal?
ReplyDeleteHello po Knights of Saint Benedict... Mayroon po ba translated sa english po ang dasal na ito Nobena Para sa Mahal na Yumao, kc hindi po makaintindi ng tagalog ang aking asawa. Namatay po kc ang mother in law ko (Betty D.) last Dec.7, 2014. Pls. help us pray for her soul. Maraming maraming salamat po.
ReplyDeleteThe english version (as well as other prayers for the dead) can be found at:
Deletewww.knightsofsaintbenedict.wordpress.com
We will include Betty D. in our prayers. God bless you!