Saturday, October 31, 2009

Maka-Kristiyano ba ang Halloween?

ANO NGA BA ANG HALLOWEEN?
TURO BA NG SIMBAHAN ANG HALLOWEEN?
MAS MAHALAGA BA ANG PAGDIRIWANG NG HALLOWEEN KAYSA TAMANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA SANTO AT ARAW NG MGA KALULUWA?

Marami ang Katoliko sa pananampalataya ngunit hindi lubusang nauunawaan ang marami sa kanilang mga nagisnang paniniwala. Marami sa atin ang hindi lubusang umuunlad sa pang-espiritwal na pamumuhay. Marahil ay di sapat ang pag-aaral ng tamang doktrina at katesismo ng simbahan. Bagama’t dumadalo sa Banal na Misa kung araw ng Linggo, marami ang nananatiling mangmang sa tamang turo ng simbahan dahil sa kakulangan ng pag-aaral o di kaya’y sa katigasan ng ulo.

Ang katigasan ng ulo ay isa sa mga bagay na bumubulag sa maraming mananampalataya. Pinaniniwalaan nilang tama ang kanilang mga nagisnan mula pagkabata, na di umano’y turo ng mga nakatatanda na kung pag-aaralan ay hindi turo ng simbahan o kaya nama’y labag sa tunay na aral ng Banal na Bibliya.

Ang Knights of Saint Benedict Catholic Lay Deliverance Team ay naglalayon na imulat ang marami sa mga bagay na naglalayo sa tao sa Diyos dahil sa pagsuway (disobedience). Ang pagsuway, bunga ng pride ay nag-uugat sa turo at bulong ng kaaway ng kaluluwa, ang demonyo. Naninindigan ang Knights of Saint Benedict sa kahalagahan ng pagsunod (obedience) at katapatan sa simbahang Katoliko (fidelity to the Catholic Church) upang malayo sa tukso at pananakit ng masasamang espiritu.

Ang turo ng simbahan: SUMUNOD KAY KRISTO. MANALIG AT MANAMPALATAYA SA DIYOS.

ANG HALLOWEEN BA AY PAGSUNOD KAY KRISTO? NAGPAPAKITA BA ITO NG PANANALIG AT PANANAMPALATAYA SA DIYOS?

Ang sagot, HINDI. Kung hindi ito turo ng simbahan, kung hindi ito nagpapakita ng pagsunod kay Kristo na manunubos, kung hindi ito gawain ng nananalig at nananampalataya sa Diyos, sino ang may turo nito? Sa pagdiriwang ng Halloween, sino ang nalulugod, ang Panginoon ba o ang kaaway ng kaluluwa?

Nalulugod ba ang Panginoon sa pagtutulad ng mga Kristiyano sa kanilang sarili sa mga halimaw, multo, at iba pang mga nakakatakot na nilalang? Nalulugod ba ang Panginoon sa paghalintulad natin sa mga kasuotan (costume) at mga anyo ng mga masasamang nilalang habang pumaparada sa kalsada?

Kung pumarada sa kalsada sa pamamagitan ng relihiyosong prusisyon ng mga imahen ng mga santo at larawan ng Birheng Maria at ni Hesus, hindi ba’t ito’y paraan ng pagdiriwang ng kaluwalhatian ng Diyos sa katauhan ng mga santo nang sila’y nabubuhay pa sa lupa? Paano kung ang iparada sa kalsada ay mga maskara at kasuotan ng mga halimaw, multo at mga nilalang na may sungay, padiriwang pa rin ba ito ng kaluwalhatian ng Diyos? O ito’y isang pagdiriwang ng “kultura ng kamatayan at kasamaan sa mundo” (culture of death)?

ANO ANG HALLOWEEN?

Mula sa “all hallow’s eve”, ang gabi bago ang Araw ng mga Santo (Nob.1). Ang mga gawain dito ay walang kaugnayan sa Kristyanismo. Ang mga gawain dito ay kahalintulad ng mga kaugalian ng sinaunang Celtic at Druid practices na kung saan ang “Halloween” ay pista ng pagdiriwang at pagpupuri kay Samhain (tunog “sow’en”) na isang panginoon ng kamatayan (Lord of Death). Maging ang namana nating trick or treat ay kasama sa mga gawaing may nakatagong motibo (hidden evil motives) upang maghasik ng lagim ang masasamang espiritu.

Mula sa St. Padre Pio Deliverance Center:

One source of trick or treat aspect of Halloween is from the belief that on this night, evil spirits, demons & witches would roam to greet the season of winter darkness. These “spirits” would be mischievous & threatening, scaring & playing tricks on people. Today, we seem to encourage kids to perform vandalism & other crimes or mischief. The Celtics believe that the only way to drive away these mischievous spirits was to bribe them with treats or dress up & act like them”.

Sa halip na ipagdiwang ang culture of death, itinuturo ng simbahang Katolika ang pag-aaral sa buhay ng mga santo upang maging inspirasyon ng mga Kristyano ang kanilang pamumuhay noon kung paanong sila’y sumunod sa mga yapak ni Kristo nang may buong pananalig at pagtitiis hanggang kamatayan. Itinuturo din ng simbahan na sa panahong ito ng pagdiriwang sa pista ng mga santo at araw ng mga kaluluwa, ang mga tunay na Kristyano Katoliko ay magkaroon ng banal na pagdiriwang ng okasyon sa pamamagitan ng makabuluhang pagdalo sa Banal na Misa at pag-aalay ng mga panalangin upang matulungang maligtas ang marami pang kaluluwa sa purgatoryo.

PAGPALAIN NAWA TAYO NG PANGINOONG LUMIKHA AT ILIGTAS TAYO SA LAHAT NG MASAMA. Amen.

San Benito, ipanalangin mo kami.

(May akda: Bro. Arnold)

Monday, October 19, 2009

Nobena para sa Mahal na Yumao

We observe that many Filipino families rely on church groups to pray the novena when someone dies.

These groups, however, are sometimes engaged with other activities that they cannot visit the dead everyday for nine straight days. We encourage all Filipino families to start the novena on the day their beloved dies, with or without the prayer group from the local church. A copy of the Novena for the Dead is available at St. Paul's outlets in many SM Malls (you can also email jbalcoreza@yahoo.com for a .pdf copy if you wish).

Here's the Filipino translation, which is harder to find in bookstores:


Lahat : O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa Iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot kong mawala sa akin ang kaharian ng langit at dahil sa takot ko sa hirap ng impiyerno, ngunit lalo pa't ang kasalanan ay nakakasakit sa kalooban Mo, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang parusang hatol at sa tulong ng Iyong biyaya ay magbabagong buhay. Amen.
Pinuno : Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Lahat : Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Pinuno : Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Lahat : Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay.
Pinuno : Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo,
Lahat : Kapara noong unang-una, ngayon, magpasawalang-hanggan. Amen.
Unang Dekada
Lahat : Panginoon, buksan Mo ang aming mga labi. Pagningasin Mo ang aming mga puso at punawin sa mga ito ang anumang kasamaan. Liwanagin Mo ang aming mga pag-iisip, upang mapagnilayan naming nang may pitagan ang Iyong pagpapakasakit at kamatayan, at ang mga sakit na tiniis ng Iyong kamahal-mahalang Ina. Dinggin Mo ang aming mga panalangin at tanggapin Mo kami, Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.
Mahabaging Hesus, tunghayan Mo ng Iyong mga maawaing mata ang Iyong anak na si _____, na para sa kanya'y nagpakasakit Ka at namatay sa krus.
Sa mga butil ng Santo Rosaryo sa bawat dekada, sabihin ang sumusunod:
Hesus ko, alang-alang sa dugong ipinawis Mo sa Halamanan ng Getsemane,
*kaawaan Mo ang kaluluwa ni _____.
Hesus ko, alang-alang sa mga suntok na tinanggap Mo sa Iyong banal na mukha, *
Hesus ko, alang-alang sa malulupit na hampas na Iyong tiniis, *
Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumusok sa Iyong ulo, *
Hesus ko, alang-alang sa pagpasan Mo ng krus sa landas ng kapaitan, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong mukhang tigmak ng dugo na hinayaan Mong matatak sa belo ni Veronica, *
Hesus ko, alang-alang sa mga damit Mong duguan na buong kalupitan nilang hinubad sa Iyong sugatang katawan, *
Hesus ko, alang-alang sa mga kamay at paa Mong tinusok ng matatalas na pako, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong banal na tagiliran na tinusok ng sibat at mula doo'y umagos ang dugo at tubig, *
Hesus ko, alang-alang sa Iyong pagkakapako at pagkamatay sa krus, *
Pinuno : Pagkalooban Mo ang kaluluwa ni _____ ng walang hanggang kapahingahan, O Panginoon.
Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa siya.
Lahat : Amen.
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
Ikalawang Dekada
Lahat : Panginoon naming lubos na mapagmahal at maawain, buong pagpapakumbabang dumudulog kami sa Iyo sa ngalan ni _____ na Iyong tinawag na mula sa daigdig na ito. Huwag Mo siyang hayaang mapasa-kamay ng kaaway at kailanma'y huwag Mo siyang limutin. Utusan Mo ang mga Banal na Anghel na dalhin siya sa paraisong kanyang dapat hantungan, sapagkat siya'y lubos na nanalig at umasa Iyo. Nawa'y hindi niya maranasan ang sakit ng impiyerno, kundi'y magkamit ng walang hanggang kaligayahan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesus na Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus
Ikatlong Dekada
Lahat : Maawa ka, Panginoon, sa kaluluwa ni _____, kung kanino'y iniaalay namin itong pagbibigay-puri sa Iyo. Buong kapakumbabaang hinihiling namin sa Iyo, kataas-taasang Diyos, na sa pamamagitan ng mga handog na ito ay maging karapat-dapat siya sa walang hanggang kapahingahan, sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus
Ikaapat na Dekada
Lahat : Hinihiling namin, Panginoon, na ipagkaloob Mo ang kalinisan at kagalingan sa kaluluwa ni _____ na lumisan na sa mundong ito. Ipinapanalangin namin ang kapatawaran ng kanyang mga kasalanan at walang hanggang kapahingahan. Ito'y aming hiling sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus
Ikalimang Dekada
Lahat : Panginoon, hanguin Mo sa lahat ng kasalanan ang kaluluwa ni _____ nang sa pamamagitan ng Iyong tulong at awa ay mailigtas siya sa apoy ng impiyerno at makabahagi sa walang hanggang liwanag. Ipagkaloob Mo po ito sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Mahabaging Hesus
PANGHULING PANALANGIN
Pinuno: Manalangin tayo.
Lahat : O Panginoon naming Maylikha at Manunubos ng lahat ng nananampalataya, ipagkaloob Mo sa kaluluwa ni _____ ang kapatawaran ng lahat niyang kasalanan. Aming idinadalangin na makamit niya ang kapatawarang lubos niyang ninanais, sa pamamagitan ng Iyong Anak na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos, sa daigdig na walang hanggan. Amen.
Lahat : At sikatan nawa siya ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa siya.
Lahat : Amen.


For prayer requests and downloadable copies of these and other prayers for the dead, please visit www.knightsofsaintbenedict.wordpress.com.

Pagsisiyam para sa mga Kaluluwa sa Purgatoryo

It is now the season to remember our departed brothers and sisters...

The PRAYER WARRIORS OF THE HOLY SOULS, an apostolate of the Monfort Foundation, Inc., suggests that this novena be prayed starting October 25th of every year, to end on All Souls' Day. The English version is available at http://pwhs-mfi.org.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

(Lumuhod ang lahat)

O Amang Walang Hanggan, iniaalay ko sa Iyo ang kamahal- mahalang Dugo ng Iyong Anak na si Hesus, sa pakikiisa sa lahat ng mga Misa na iniaalay sa araw na ito, para sa lahat ng mga kaluluwa sa purgatoryo at para sa lahat ng mga makasalanan sa lahat ng dako, para sa mga makasalanan sa Simbahan sa buong daigdig, yaong nasa aking tahanan at yaong nasa aking mag-anak. Amen.

Mapagmahal na Hesus, buong kapakumbabaang hinihiling ko sa Iyo na ialay Mo sa Iyong Amang walang hanggan ang Iyong kamahal-mahalang dugo na dumaloy mula sa mga banal na sugat ng Iyong kapita- pitagang Katawan, sampu ng Iyong pagdurusa at ng Iyong kamatayan para sa mga kaluluwa sa purgatoryo.

O Namimighating Birheng Maria, iharap mo sa Amang makalangit, kasama ng malungkot na pagpapakasakit ng iyong Anak, ang iyong sariling pighati, luha at lahat ng hapis na iyong ipinagdusa kaisa Niya, upang madulutan ng kaginhawahan ang mga kaluluwang nagdurusa sa nag-aalab na paghihirap sa purgatoryo, upang sa pagkakahango mula sa masakit na bilangguan, makamtan nila ang kaluwalhatian sa langit at doo'y awitin nila ang kapurihan ng Diyos magpasawalang-hanggan. Amen.

PAGBASA MULA SA BANAL NA BIBLIA AT PAGNINILAY

(Umupo ang lahat)

Unang Araw

"Sapagkat kung hindi siya sumasamapalataya sa muling pagkabuhay ng mga mabuwal ay magiging isang bagay na kalabisan at walang kabuluhan ang pagdadalangin sa mga yumao. Bukod dito ay kanyang pinahahalagahan ang napakagandang gantimpalang nakalaan sa mga namamatay sa kabanalan." 2 Mga Macabeo 12:4-45

Kasalanan ang balakid sa pag-unlad ng mga lalaki at babae. Ang tunay na pag-unlad ay ang makapanhik ang tao sa Diyos. Kasalanan lamang ang nagiging sagabal dito.

Ang bisyo at krimen ay nawawaksi sa tao na tila mga hayop samantalang sila ay dapat umangat patungo sa mga Anghel.

Ang mamatay sa kasalanang mortal ay nangangahulugan ng walang hanggang kabiguan, ang impiyerno. Inilulugmok nito ang tao, na ang nakatalagang kapalaran ay dumanas ng kaluwalhatiang walang hanggan, sa walang hanggang kawalan at pagdurusa.

Ang kamatayan sa kasalanang benyal o kasalanang may nauukol na kaparusahan habang ito ay nasa kaluluwa pa ay nangangahulugang natamo na ang kagitna ng pag-unlad patungo sa langit. Ang mga kawawang kaluluwa-- kawawa sa kanilang pagnanasa na maabot na ang Diyos at ang kabagot-bagot na pagkabalam ng kanilang pakikiisa sa Kanya-- ay kailangang magtagal pa sa bahay-kulungang ito.

Ito ang purgatoryo, isang lugar ng tigib ng hapis at kainip-inip na paghihintay.

Ikalawang Araw

"'Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong tibo?' Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay ang batas. Ngunit salamat sa Diyos na nagbigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng Panginoon nating Hesukristo." 1 Corinto 15:55-57

Wala nang hihigit pa sa paghihirap ng isang kinapal kaysa sa paghihintay nang tigib sa sakit. Lahat ng kaluluwa sa purgatoryo ay nakatitiyak na makararating sa Langit balang araw.

Alam nila na kahanga-hanga ang langit at kanais-nais ang Diyos. Subali't hindi nila masundan ang marahas na pagnanasa na nagtutulak sa kanila patungo sa kanilang kaligayahan. Magugutom sila sa Panginoon at ipagkakait pa rin sa kanila ang pag-aari sa Kanya.

Ang impiyerno ay kadiliman at walang pag-asang lumbay. Sa purgatoryo, may pag- asa at katiyakan, pag-ibig at pananabik-- at mahabang panahon ng paghihintay, paghihintay, paghihintay.

May pagdurusa din sa purgatoryo, pagdurusa dulot ng paghuhugas sa apoy sa lahat ng bahid ng kasalanan at paglilinis sa apuyan sa mga kaluluwa bago pumasok sa Presensya ng kabanal-banalang Diyos. Subali't ang tunay na sakit sa purgatoryo ay ang marubdob na pagmimithi sa Panginoon, na halos abot- kamay, at ang masidhing pananabik na makauwi sa langit, na abot-tanaw na ay hindi pa rin makamtan.

Walang kaluluwang may bahid dungis ng kasalanan ang makakapasok sa kalangitan. Kaya't sa purgatoryo ay hinuhugasan ang dungis, kung saan ang mga kaluluwa na nakatalaga sa kaluwalhatian ay inihahanda sa pagdurusa at nakakabagot na pagkaantala ng pinakamimithing pakikiisa sa Diyos.

Ikatlong Araw

"Kung si Kristo ay sumainyo, kahit patay ang katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ay buhay dahil sa kabanalan. Kung ang Espiritu niyaong muling bumuhay kay Hesus ang mananahan sa inyo, ang bumuhay na mag-uli kay Kristo Hesus ang siya ring bubuhay sa inyong mga katawang namamatay sa pamamagitan din ng Espiritu na nananahan sa inyo." Romano 8:8-11

Ang buhay sa lupa ay panahon ng pagtatamasa ng merito. Kung sa pamamagitan ng mga pagpapakasakit tatamasa tayo ng mayamang biyaya ni Kristo at ng mga Banal, mahuhugasan ang bahid ng mga napatawad nang kasalanan, at mapapawi ang kaparusahan sa mga kasalanang benyal, ito ay atin ring matatamo sa pamamagitan ng pagtitika at sa pagkakawang-gawa.

Sa sandaling ang kaluluwa ay pumasok na ng purgatoryo, ang panahon para umani ng merito para sa kaluluwang iyon ay tapos na.

Kung tayo ay nakararanas ng pagdurusa sa lupa, maari nating ialay ang ating pagdurusa sa Diyos; sa pamamagitan nito ay madaragdagan ang ating kaligayahan sa kinabukasan at maiiwasan ang sakit ng purgatoryo.

Kapag ang isang kaluluwa ay nagdurusa sa purgatoryo, dahan-dahan at buong hirap niyang binubura ang mga pagkakautang ng kasalanan subali't wala na siyang matatamong karagdagang biyaya para sa langit. Walang mga biyaya sa purgatoryo, o panibagong paggamit ng mga merito ni Kristo, ng Kanyang Ina, o ng mga Banal.

Subali't, salamat sa ating pakikiisa sa Mistikal na Katawan ni Kristo, salamat sa komunyon ng mga Banal, makakaani tayo ng biyaya para sa mga kaluluwang nagdurusa. Ang mga biyayang ito ay ating maiaalay para sa kanilang panahon ng paghihintay. Mababawasan natin ang kanilang paghihirap at mapapadali ang kanilang pagpasok sa langit sa tulong ng anumang kabutihan na iaalay natin para sa kanila dito sa lupa.

Ika-apat na Araw

"Subalit kung tayo ay namatay na kasama ni Kristo, sumasampalataya tayong mabubuhay na kasama ni Kristo, sapagka't alam natin na si Kristo na muling nabubuhay ay hindi na mamamatay; wala nang kapangyarihan sa Kanya ang kamatayan. Ang Kanyang kamatayan na pagkamatay dahil sa kasalanan ay minsan lamang alang-alang sa lahat; ang Kanyang buhay naman ay buhay alang- alang sa Diyos. Gayundin naman ipalagay ninyo na kayo ay patay na sa kasalanan, ngunit nabubuhay sa Diyos kay Kristo Hesus." Romano 6:8-11

Napakabilis mapukaw sa isipan ng tao ang alaala ng kanilang mahal na yumao. Ang alaala ay tulad ng mga luhang pumatak sa isang kabaong-- sandaling sumingaw, kaybilis natuyo.

Sa mabilis na pagdaraan ng mga araw, madaling makalimot ang mga buhay. Ang kapit ng mga dating kasamahan at pagtatatag ng mga bagong kaibigan ay dahilan upang matabunan at masiksik sa maalikabok na sulok ng alaalala ang mga kaibigang ngayon ay nakatago na sa bilangguan ng Diyos. Subali't ang mga bilanggong ito ay hindi nakakalimot sa atin.

Sa mabagal at masakit na pagdaraan ng mga araw, may panahon silang makaalala. Napakasidhi ng kanilang pagkagutom sa Diyos kaya't walang puwang sa kanilang puso ang bagong kasamahan. Higit silang nagiging maramdamin, tulad ng kung may sakit tayo ay nagiging maramdamin, sa alaala, sa kapabayaan, sa pag- asa sa kaligtasan, sa kaalaman na ang mga taong malakas na nagsitangis noon ng kanilang pagmamahal ay daglian nang nakalimot.

Nakakintal nang buong pasasalamat sa kanilang puso ang mga taong hindi nagpapabaya sa kanila. Buong kalungkutan din na inaalala nila yaong dagliang nakalimot na. ipinagdarasal nila sa Diyos, na nagmamahal sa kanila kahit sa kanilang bilangguan, ang mga maalalahanin at mapaglingap. Iniluluhog nila na ang mga nagtulak sa kanilang palayo sa mga malapit at mga buhay ay mag-iiwan sa kanilang bahay-kulungan ng isang pag-alaala, isang panalangin, isang pagkakawang-gawa bilang pagtubos.

Ikalimang Araw

"Alalahanin mo na si Hesukristo, na muling nabuhay, ay buhat sa lahi ni David, ayon sa aking Ebanghelyo… kaya dapat sampalatayaan ang pananalitang ito: Kung namatay tayong kasama Niya ay mabubuhay din tayong kasama Niya. Kung itatatuwa natin Siya, itatatuwa rin Niya tayo. Kung hindi tayo tapat, mananatili Siyang matapat, palibhasa ay di Niya maaring itatuwa ang Kanyang sarili." 2 Timoteo 2:8, 11-13

Ang mga nasa purgatoryo ay kaibigan ng Diyos. Ang mga kaluluwang ito ay ligtas na. Ang kanilang mga korona ay naghihintay sa kanila, ang kanilang mga trono ay nakahanda na, ang kanilang mansyon ay ayos na.

Napakalalim ang pagmamahal sa kanila ng Diyos, gaya ng pagmamahal Niya sa Kaniyang matatapat na mga anak na ipinaglaban ang mabuting pakikibaka.

Ang kanilang mga panalangin para sa iba ay tuwirang dumarating sa Kaniyang luklukan. Hindi na nila maipagdarasal ang kanilang sarili; ang panahon ng kanilang biyaya ay tapos na. Sila ay nakapagdarasal, at sila ay nagdarasal, para sa kanilang mga minamahal sa lupa. Ang mapagmahal na ina sa purgatoryo ay namamagitan para sa kaniyang mga anak. Ang mapamintuhong ama ngayon ay higit na mapamintuho. Ang mga kaibigan ay hindi nakalimutan ang kahalagahan ng kanilang pagkakaibigan. Ang mga kamag-anak ay nakatali sa atin nang higit na malapit kaysa dugo.

Halos lahat ng mga Banal na Kaluluwa ay ipinagdarasal ang mga naghahandog sa kanila ng pakinabang. Sa sandali nating pag-alala sa kanila ay nagwawagi tayo ng malaking bilang ng pakinabang mula sa kanila. Nagdarasal tayo nang hindi nag-iisip; ang kanilang pagdarasal ay ang mataimtim na dasal ng mga kaluluwang palapit nang palapit na sa Diyos. Humihingi tayo ng kaligtasan; idinudulog nila sa Diyos na gantimpalaan tayo ng isang libong pagpapala.

Ika-anim na Araw

"Si Kristo man ay namatay nang minsan lamang alang- alang sa lahat dahil sa mga kasalanan, ang banal dahil sa kasalanan, upang dalhin tayo sa Diyos; pinatay ayon sa laman, ngunit binuhay ayon sa espiritu. Ang binyag na kawangis nito ang siyang nagliligtas sa inyo ngayon, na hindi nag-aalis ng dumi ng katawan kundi nagtatamo sa Diyos ng isang mabuting budhi sa bisa ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na pagkatungo sa Langit ay nasa kanan ng Diyos at ipinailalim sa kanya ang mga anghel, mga potestad at mga birtud." 1 Pedro 3:18, 21-22

Ang pagkagutom ng kaluluwa sa Diyos ay higit pa kaysa sa kagutuman ng katawan sa pagkain. Sa sangkalupaan tayo ay nababahala sa kalayawan ng buhay na nakapaligid sa atin. Sa purgatoryo, walang kaabalahan. Ang kanilang mga mata ay nakatuon lamang sa nakapinid na pintuan ng Langit. Ang mga Banal na Kaluluwa ay naghahangad sa Diyos, nananabik sa Diyos, nauuhaw at nagugutom sa Diyos.

Ang hatol ng kanilang kaparusahan ay laging nasa kanilang pandinig: kaya't matagal kayong mananatiling malayo sa inyong kagalakan, hanggang itong mga kasalanan, mga maling gawain, dungis at mantsa ay napagdusahan na.

Natitimbang sa kanilang pumupugnaw na pagkagutom sa Diyos ay ang katiyakan na hindi sila makakapasok sa Kaniyang Presensya na may kaunting bahid. Higit nilang ninanais na maging higit na matindi ang apoy upang maging higit na mabilis ang paglilinis.

Isipin natin ang kanilang pasasalamat sa bawat panalangin o mabuting gawain na ating gagampanan upang tulungan silang mahugasan ang kanilang mga kasalanan at mapadali ang kanilang pagtungo sa Diyos. Isipin ang nag-uumapaw sa galak na pagtanggap nila sa anumang gawain natin na magpapaikli at puputol sa kanilang pagtigil sa purgatoryo, at magpapabilis sa kanilang pagpasok sa Kalangitan.

Ikapitong Araw

"Walang sinuman sa atin ang nabubuhay sa sarili, at walang namamatay alang-alang sa sarili. Kung nabubuhay tayo, sa Panginoon tayo nabubuhay; kung tayo ay namamatay, sa Panginoon tayo namamatay. Kaya't mabuhay man tayo o mamatay, tayo'y sa Panginoon. Sapagkat dahil dito ay namatay si Kristo at nabuhay na muli upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay." Romano 14:7-9

Ano ang pagkain sa nagugutom? Ano ang inumin sa tigang na lalamunan? Ano ang liwanag sa taong matagal nang bulag? Ano ang bagong kalusugan sa taong lumpo? Ano ang kalayaan sa bilanggo? Lahat ng ito at higit pa ay ang kaligtasan sa purgatoryo ng isang Banal na Kaluluwa.

At kung ang pagkain, kalusugan at kalayaan ay dumating nang biglaan at hindi inaasahan, ang puso ng tao ay lumulukso at bumibilis ang pagtibok, at ang kaluluwa'y nakararanas ng masidhi't nag-uumapaw na kagalakan.

Gayun din sa bawat dalangin na sambitin natin para sa mga kaluluwa sa purgatoryo na humihingi ng awa. Ang ating panalangin ay pagkain at tubig, ilaw at kalusugan; ito ay isang pagpapaliban at pagkakalas, kalayaan at pagbabalik. Ito ang kumakalag sa pagkakagapos, ang pagpapaikli ng kabagot-bagot na paghihintay, ang katapusan ng pagkabilanggo, ang biglaang maluwalhating pag-aangat at mabilis na paglipad pataas tungo sa gitna ng kanilanng kagalakan-- ang Diyos.

Para sa atin, ang panalangin na iyon ay hindi masyadong makabuluhan; isang pangkaraniwang pagkakawang-gawa. Pagdarasal, paglilimos, pag-aayuno, isang mabuting gawain… lahat ay inililibing sa limot sa katagalan. Subali't sa mga kaluluwa, ang mga gawaing ito ay hindi masusukat ang kahalagahan, utang na walang hanggang babayaran sa atin.

Ikawalong Araw

"… makikita nila ang Kanyang Mukha at tataglayin ang Kanyang Pangalan sa kanilang noo. At hindi na magkakaroon doon ng gabi, hindi mangangailangan ng liwanag ng ilawan o ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang siyang tatanglaw sa kanila at maghahari sila magpakailanman at magpasawalang-hanggan." Pahayag 22:4-5

At darating ang maligayang araw ng pagpapalaya. Para sa mga kaibigan sa lupa na nakalimot at sa mga hindi nakatanggap ng di-pangkaraniwang paghatol ng Diyos, ang kalayaan ay natatamo lamang pagkaraan ng maraming mahaba at mapait na mga siglo. Kaya ang kanilang paglaya ay dumarating nang higit na maaga kaysa sa kanilang inaasahan. Ngayon nila naaalala ang mga kaibigang nagbuhos ng mga panalangin para sa kanila, mga panalanging tinanggap ng Diyos bilang kabayaran ng isang sangkap o ng buo nilang pagkakautang.

Huli man o maaga, ang kalayaan ay nakakamtan, ang paghuhusga ay natatapos, ang malagim na pintuan ng purgatoryo ay nabubuksan. Sa unahan ay ang mga mapuputi at kumikislap na haligi ng lungsod na walang simula. Tulad ng bugso ng liwanag, ang napalayang kaluluwa ay mabilis na lumilipad patungo sa Diyos. Ang mabagsik na hangin ay hindi kayang pantayan ang balasik ng paglipad ng kaluluwa mula sa bilangguan patungo sa kaligayahan na inilaan sa kanya ng Diyos.

Doon, sa presensya ng Diyos, ay ang sandali ng tagumpay. Ang pagtanggap ng Tatlong Persona. ang pagpasok sa mansyon ng kalangitan, ang pagluluklok sa isa pang banal. Sa sandaling iyon ay makakamtan ng kaluluwa ang walang simulang kaligayahan at walang kapantay na kaluwalhatian na walang kapintasan, na hindi na madurungisan ng pag-aalang-alang o pandaraya. Sa sandaling ito ay inaari na ng Diyos ang mga kaluluwa sa hangganang walang simula.

Ikasiyam na Araw

"Lahat ng ipinagkakatiwala sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at sino mang lumapit sa akin ay hindi ko itataboy. Sapagkat nanaog ako mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na huwag kong iwala ang kahit alin sa tanang ipanagkatiwala niya sa akin kundi bagkus buhayin kong muli sa huling araw. Ito nga ang kalooban ng aking Ama na ang lahat ng makakita sa anak at sumasampalataya sa kanya ay magkamit ng buhay na walang hanggan at buhayin ko siyang muli sa huling araw." Juan 6:37-40

Sa kabila ng kanilang kagalakan, ang mga kaluluwa sa Langit ay hindi nakakalimot. Bagkus, lalo silang nagiging buhay sa alaala dahil sa kanilang kagalakan. Sa kaluluwang nasa kaluwalhatian, sa lahat ng sandali ay nakakintal sa kaniyang alaala ang mga mapagpalang kaibigan sa lupa na tumutulong sa kanyang marating ang Diyos at ang kaluwalhatian.

Ngayong siya ay isa nang banal sa Langit, ginagamit niya ang kanyang lakas bilang tagapamagitan. Nanalangin siya sa Diyos na maging maawain at mapagbigay sa mga taong sa kanya ay naging maawain at mapagbigay. Kay Kristo at kay Maria ay isa-isa niyang binabanggit sa pangalan ang mga tumutulong sa kanya sa panahong siya ay hindi makatulong sa kanyang sarili. Kinakausap niya ang Tatlong Persona tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Siya ay nagiging malakas na tagapaghandog, masigasig na nakikiusap sa Diyos na magbigay ng awa at maghandog ng biyaya sa mga taong nakaalala sa kanya sa purgatoryo. Ang panalangin niya ay mataimtim at masidhi sa bagong kagalakan na ang kanilang paglalakbay sa landas ng buhay ay magiging ligtas, at ang kanilang pagpasok sa Langit ay maging mabilis at tagumpay. Nagdarasal siya na balang-araw sila rin ay makaranas ng tuwirang paningin sa Diyos (Beatific Vision), at makikita ang Diyos sa walang hangganan at walang simula. Ito ang kanyang walang pagdaramot na kagustuhan-- na makabahagi tayo sa napakalaking kaluwalhatian na hinihiling nating ipadala sa atin.

PANALANGIN SA PAGSISIYAM

(Lumuhod ang lahat)

Mahabaging Ama, sa pakikiisa sa mga Banal sa Kalangitan, ipinamamanhik naming kaawaan Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Isaalang- alang Mo ang walang maliw Mong pag-ibig para sa kanila at kaawaan Mo sila alang- alang sa walang katapusang biyaya ng Iyong minamahal na Anak. Kalugdan Mo pong palayain sila mula sa sakit at pighati upang kanilang matamasa ang walang hanggang kapayapaan at kagalakan.

Mapagmahal na Manunubos, Kristo Hesus, Ikaw ang Hari ng mga hari sa lupang maluwalhati. Isinasamo namin na, sa Iyong awa, dinggin ang aming mga panalangin at palayain ang mga kaluluwa mula sa purgatoryo. Akaying Mo sila mula sa bilangguan ng kadiliman patungo sa liwanag at kalayaan ng mga anak ng Diyos sa Iyong maluwalhating kaharian. Tubusin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong Kamahal-mahalang Dugo at iligtas Mo sila sa walang hanggang kamatayan.

Espiritu Santo, Panginoon ng Kaliwanagan, pagningasin Mo sa amin ang apoy ng pag-ibig upang mailay namin ang aming mga panalangin at kusang pagpapakasakit para sa mga nagdurusang mga kaluluwa sa purgatoryo. Nais naming ialay ang mga biyaya ng debosyong ito para sa lahat ng kasapi ng Simbahang Naghihirap, lalo't higit, para sa mga pumanaw naming mahal sa buhay. Dinggin ang aming panalangin upang makaisa namin sila sa kaharian ng Iyong kaluwalhatian, Ama, Anak, at Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.

LITANYA PARA SA MGA BANAL NA KALULUWA

Makapangyarihang Diyos, Ama ng kabutihan at pag-ibig, kaawaan Mo ang mga abang kaluluwang nagdurusa at pagkalooban sila ng Iyong saklolo.

Sa aming mga magulang at ninuno, *Panginoon, kaawaan Mo sila.

Sa aming mga kapatid at kamag-anakan, *

Sa aming mga tagatangkilik sa mga bagay na espiritwal at materyal, *

Sa mga dati naming kaibigan at tagasunod, *

Sa lahat ng dapat naming ipagdasal alang-alang sa pag-ibig o tungkulin, *

Sa lahat ng nagdusa at nasaktan namin, *

Sa lahat ng lumapastangan sa amin, *

Sa lahat ng mga pinakamamahal Mo, *

Sa lahat ng mga napipintong palayain, *

Sa lahat ng may masidhing paghahangad na makapiling Ka, *

Sa lahat ng lumalasap ng pinakamatinding pagdurusa, *

Sa lahat ng mga malayo pa ang paglaya, *

Sa lahat ng mga hindi naaalaala, *

Sa lahat ng mga lalong karapat-dapat tulungan alang-alang sa kanilang paglilingkod sa Simbahan, *

Sa mga mayayamang sila ngayong dusta, *

Sa mga makapangyarihang sila ngayong hamak, *

Sa mga bulag na ngayo'y nakakakita na ng kanilang kapalaluan, *

Sa mga tamad na nagsayang ng kanilang panahon, *

Sa mga maralitang hindi naghangad ng makalangit na kayamanan, *

Sa mga nanlamig na di nag-ukol ng sapat na panahon sa panalangin, *

Sa mga batugang nagpabaya sa paggawa ng kabutihan, *

Sa mga maliliit ang pananampalataya na nakaligtaan ang malimit na pagtanggap ng mga Sakramento, *

Sa mga mapaggawa ng kasalanan, na utang ang kanilang kaligtasan sa himala ng biyaya, *

Sa mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak, *

Sa mga may kapangyarihang hindi kumalinga sa kaligtasan ng mga ipinagkatiwala sa kanila, *

Sa mga kaluluwang mga walang hinangad kundi kayamanan at kaaliwan, *

Sa mga makamundo na hindi ginamit ang kanilang kayamanan at kakayahan sa paglilingkod sa Diyos, *

Sa mga nakasaksi sa kamatayan ng iba na di man lamang naisip ang sarili nilang pagpanaw, *

Sa mga hindi naglaan para sa kanilang mahabang paglalakbay sa kabilang buhay, *

Sa mga nagdurusa ng mabibigat na kaparusahan dahil sa malalaki nilang pananagutan sa lupa, *

Sa mga Papa, pinuno, hari at prinsipe, *

Sa mga Obispo at kanilang tagapagpayo, *

Sa mga yumaong pari ng aming diyosesis, *

Sa mga pari at relihiyoso ng buong Simbahan, *

Sa mga tagapagtanggol ng Pananampalataya, *

Sa mga kawal ng namatay sa labanan, *

Sa mga nakalibing sa karagatan, *

Sa mga biglang namatay, *

Sa mga namatay na hindi nakatanggap ng huling sakramento, *

Sa mga mamamatay sa araw na ito, *

Sa aking sariling kaluluwa kapag panahon na ng pagharap sa Iyong hukuman, Panginoon, kaawaan Mo ako.

Pinuno : Pagkalooban Mo sila ng walang hanggang kapahingahan, O Panginoon.

Lahat : At sikatan nawa sila ng Iyong walang hanggang liwanag.

Pinuno : Mapanatag nawa sila.

Lahat : Amen.


Thursday, October 15, 2009

Advent Recollections 2009

Are you ready for Christmas?

Spend a day with the Lord in either of the following recollection sessions:

1. November 14, 2009 (Saturday)
6:30 am - 5:00 pm

Venue: San Carlos Seminary
EDSA, Guadalupe, Makati City

Cost: Php 350, including lunch and snacks

Contact: 0929-3998884


2. November 21, 2009 (Saturday)
8:00 am - 5:00 pm

Venue: Worship Hall of the Spirit of Love Catholic Community
Manila Seedling Bank Compound
EDSA corner Quezon Ave., Quezon City

Cost: Php 150, for lunch, snacks and hand-outs

Contact: 5312157 / 5310391 loc. 100 and 101; 0918-9290603


The first one is a much smaller group and the venue would be more conducive to reflection, so you might want to give it some priority. The price is still very, very reasonable, after all...

Whichever you chose, we are sure you will not regret it!

Wednesday, October 14, 2009

Welcome!

With so much pain, sadness, sickness and suffering happening in the world today, there is no doubt that there is a great and URGENT need for healing and deliverance.

Yet, this is one topic not only seldom discussed among Catholics, but even avoided. The discomfort is not unique to the average believer; some priests would rather not touch the subject.

The Knights of Saint Benedict (A Catholic Lay Deliverance Team) is a group of believers who have realized that keeping silent about deliverance from evil will not make evil disappear. We urge everyone not to fall into Satan's deception. Let us uncover him and learn how to fight him.

The first step in our spiritual warfare is putting Christ in the center of our lives. Our soul belongs to Him alone.

Let us turn to the Lord for His Love and Mercy (NEVER to sorcerers, diviners, faith healers, mediums, fortune-tellers, astrology, witchcraft, tarot cards, talismans, lucky charms, magic, etc.).

Christ says to St. Paul, "My Grace is enough." Turn to Christ. Go to His Church, the Catholic Church. Talk to your parish priest. Ask help from a Catholic charismatic community or from any Catholic prayer group or organization.

"The devil trembles in fear when we are at prayer, fasting, doing acts of love and charity, and when we are in total obedience to Christ and His Church."