Monday, January 4, 2010
Katoliko Ka Ba?
Tungkulin ng bawat Kristiyanong Katoliko ang mag-akay ng maraming kaluluwa sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga katotohanang pang-relihiyon at pang-espiritwal.
Mga magulang, itinuturo ba ninyo sa inyong asawa at mga anak ang tamang pananampalataya at gawaing pang-espiritual? Tinuturuan ba ninyo ang inyong mga kapatid at mga mahal sa buhay? Tinuturuan ba ninyo ang inyong mga kapitbahay at kaibigan?
Iyan ay hindi isang "option" lamang. Iyan ay tungkulin ng bawat isa sa atin.
Ano na nga ba ang iyong naituro sa mga taong iyong nasasakupan?
Mula noon hanggang ngayon, nananatili ang habilin ni Kristo na paulit-ulitnating tinatanggap sa banal na Misa: "Humayo kayo (ng payapa) at magpakarami" (Go in peace and multiply). Ang pagdami ay hindi sa bilang ng anak, kundi sa bilang ng mga mananampalaya na natuturuan nang tama at wasto ayon sa turo ng simbahan
"Magpakarami" -- ang ibig sabihin ay mamunga (be fruitful), magtawag at mag-akay ng marami pang tao tungo sa kaligtasan.
Muli, hindi iyan isang"option" kundi isang napakahalagang tungkulin, lalong-lalo na ng mga lider ngsimbahan at mga namumuno sa lahat ng organisasyong pang-relihiyon.
Nagagampanan mo ba ang iyong tungkulin? KATOLIKO KA BA? Ito ang katanungan sa maraming tao na nag-aakala (o di kaya naman ay nagpapanggap) na sila nga ay Katoliko.
Ano nga ba ang basehan upang ikaw ay matawag na Katoliko?
Bagama't malawak na paksa ang pagiging Katoliko, nawa ang mga sumusunod ay makapagbigay ng simple, payak at diretsong (simple and straight truth) kaliwanagan sa mga mambabasa.
Una sa lahat, ikaw ay Katoliko kung ikaw ay bininyagan bilang isang Katoliko, sa loob ng simbahang Katoliko, pinamunuan ng paring Katoliko, at gumamit ng opisyal na dasal at rito ng Katolikong simbahan. "Binyag" ang unang sakramentona karaniwang tinatanggap ng Katolikong Kristyano.
Matapos ang binyag, Katoliko ka na ba? Oo, isa ka ngang Katoliko ngunit ito simula pa lamang. Higit sa lahat ay maytungkulin ka sa iyong sarili– ang panatilihin mo ang iyong sariling banal naKatoliko. Subalit hindi sapat ang sariling kakayahan mo lamang. Kailangan mo ang Simbahan upang matulungan kang maging banal. Ito ang tungkulin ng simbahan: magturo, mamahala at magpabanal (to teach, to govern and to sanctify).
Kaya naman kung ikaw ay kikilos at mamumuhay sa labas ng pangangalaga at turo ng simbahan, mahirap makamit ang pagiging isang Banal na Katoliko.
Ito ang tamang panahon upang itanong sa iyong sarili: KUMIKILOS BA AKO SA LOOB NG PANGANGALAGA AT TURO NG SIMBAHAN?
Ang kilos at pamumuhay mo ay matatawag na labas sa turo at aral ng simbahan kung may "pagsuway" (disobedience) sa itinakdang utos ng Simbahang Katoliko. Ang pagsuway ay nagpapahiwatig na ikaw marahil ay Katoliko sa binyag (at sa papel) ngunit hindi sa gawa at araw-araw na pamumuhay.
"Pagsuway" ang unang kasalanang pumasok sa mundo at sumira sa relasyon ng Diyos at tao (Disobedience, the first sin that entered the world). "Pagsuway" ang pisikal na manipestasyon ng "kayabangan" at "kasamaan" (Disobedience, the physical manifestation of pride and evil).
Pagsuway. ito ang bulong ni Satanas sa mga tao. Pagsuway ang unang itinuro ng serpiyente kay Eba at Adan, ating unang mga magulang. Hanggang sa ngayon, patuloy ang panunukso sa atin na sumuway. Kung ikaw ay may pagsuway, isa itong pagmamalaki sa Simbahan (pride-- a capital sin). Isa itong pagtalikod sa Diyos at paglapastangang karumal-dumal sa Diyos.
Anu-ano ang iyong mga pagsuway sa turo at aral ng Simbahang Katoliko? Paano mo itutuwid ang mga ito?
ILAN LAMANG SA MGA KARANIWANG PAGSUWAY
Ikaw ba ay kumukunsulta sa mga manghuhula, magtatawas, albularyo, bolang kristal, tarot cards, astrolohiya (iba ito kaysa sa astronomiya), mangkukulam, itim na karunungan (walang puti, lahat ng uri ng divination ay itim), lahat ng uri ng pag-alam sa hinaharap, at iba pa?
Ikaw ba ay gumagamit ng mga trance, tumatawag sa mga yumao, dumudulog sa espiritista o medium, tumatawag at nakikipag-usap sa mga espiritung gumagamit ng pangalan ng mga kilalang santo, anghel, propeta maging ng Sto. Nino, Mahal na Birhen at ni Hesus, o gumagamit at nagtatago sa pangalang Ama o Amang Dakila, at iba pa?
Ikaw ba ay gumagamit ng mga ritwal o panalanging kakaiba at labas sa turo at aral ng Simbahang Katoliko? Ikaw ba ay kumikilos na animo'y sinasapian (trance/possession) ng kung sinu-sinong espiritu at kaluluwa na ipinagbabawal ng Simbahan maging ano man ang layunin (Catechism of the Catholic Church [CCC] No. 2117: … even if this werefor the sake of restoring their health are gravely contrary to the virtue of religion...)?
Ikaw ba ay sumasampalataya sa mga pampasuwerte, anting-anting, talisman (bato, kristal, kahoy, salamin, atbp.), gayuma, etc.? Ang ganitong gawain ba ay itinuturo mo pa sa iba, lalong-lalo na sa mga kabataan, at dahil dito'y nagdudulot ng higit na kasalanan at kapahamakan sa maramingkaluluwa?
Ikaw ba ay dumadalo sa mga pagtitipon na hindi ayon saSimbahang Katoliko?
Ikaw ba ay nakikiisa sa mga ritwal na ang iba ay animo'y misa na hindi sakop ng tunay na Simbahang Katoliko?
Ang layunin ni Kristo at ng Simbahang Katoliko na Kanyang itinatag ay ang pagkaisahin ang mga Kristiyano laban sa masama. Kung ang iyong samahan ay kumikilos sa labas ng utos ng Simbahan at nagdudulot ng pagkakabukod (sa halip na pagbubuklod) sa mga taong nananampalataya, iyan ay maliwanag napagsuway at isang gawain ng kaaway!
Ikaw ba ay kaanib ng samahang gumagamit ng pangalang pang-relihiyon na nagdudulot ng kalituhan (confusion) sa halip na kaliwanagan sa mananampalataya? Ang kalituhan ay taktika ng demonyo!
Ikaw ba ay hindi nagpapasakop sa Simbahang Katoliko, sa mga lider nito at mga itinalagang mga lokal na pinuno (obispo, pari, itinalagang mga pinuno ng parokya)?
Ikaw ba ay nagtutuon ng mas maraming oras at mas mahalagang pansin sa ritwal, sa halip na sa pagdalo sa tunay na Banal na Misang Katoliko?
Ikaw ba ay nakikinig sa mga kababalaghan at misteryosong mga kwento? Ikaw ba'y naniniwala at sumusunod sa mga pamahiin sa halip na mag-aral ng katesismo, babala at paalaala ng Simbahan?
Ikaw ba ay hindi lubos na nakikiisa sa gawain ng iyong parokya nang may tamang pagsunod sa Kura Paroko na itinalaga ng Simbahan upang mangalaga sa pangangailangang pang-espiritwal
Suriin ang iyong paniniwala at gawain. Sang-ayon ba ang mga ito sa katuruan at kautusan ng Simbahang Katolika? KATOLIKO KA BA?
(Bro. Arnold, KSB Team Leader)
Tuesday, December 29, 2009
New Year Celebrations and The Occult
http://www.oswc.org/Precautions.asp
Some of the things that many of us are interested in particularly around this time of the year are:
- Horoscopes
- Astrology (not to be confused with astronomy)
- Consulting Psychics
- Feng Shui
- Palm Reading
- Tarot Cards
- Crystal Balls
- I-Ching
- Seances
- Crystallomancy
2115. God can reveal the future to his prophets or to other saints. Still, a sound Christian attitude consists in putting oneself confidently into the hands of Providence for whatever concerns the future, and giving up all unhealthy curiosity about it. Improvidence, however, can constitute a lack of responsibility.
2116. All forms of divination are to be rejected: recourse to Satan or demons, conjuring up the dead or other practices falsely supposed to 'unveil' the future.[Cf. Deut 18:10 ; Jer 29:8 .] Consulting horoscopes, astrology, palm reading, interpretation of omens and lots, the phenomena of clairvoyance, and recourse to mediums all conceal a desire for power over time, history, and, in the last analysis, other human beings, as well as a wish to conciliate hidden powers. They contradict the honor, respect, and loving fear that we owe to God alone.
2117. All practices of magic or sorcery, by which one attempts to tame occult powers, so as to place them at one's service and have a supernatural power over others - even if this were for the sake of restoring their health - are gravely contrary to the virtue of religion. These practices are even more to be condemned when accompanied by the intention of harming someone, or when they have recourse to the intervention of demons. Wearing charms is also reprehensible. Spiritism often implies divination or magical practices; the Church for her part warns the faithful against it. Recourse to so-called traditional cures does not justify either the invocation of evil powers or the exploitation of another's credulity.
At this point you may be wondering what all the fuss is about. "How can these things be so bad, and what can happen to me?" you might ask. In fact, you may know someone who has played the Ouija board, has been going to psychics for years, reads their daily horoscope, etc., and who has experienced no ill effects. Perhaps you yourself have done these things. You may argue that this proves that we are wrong and you are right - that there is nothing but myth surrounding this whole issue of 'demons' and 'devils.' We in the deliverance ministry, however, look at it this way: You, and people like you, are (for now, at least) fortunate.
It may surprise you to learn, however, that the people who practice these forbidden things are not "out of the woods" just yet. Sometimes it can take many years for problems to develop. Sometimes problems will not develop at all. Sometimes the problems start with the individual's children, perhaps even after the children are grown and have families of their own. We will talk about this in a moment when we speak of generational curses and hauntings, but first we will give a few samples of what these "harmless games" have done for those who have wittingly or unwittingly "played" them.
Can you imagine waking up in the middle of the night after having your bed covers ripped from atop of you? Or, how about having your pillow snatched from under your head while you sleep? Or, can you imagine being pushed down a staircase by an invisible force? All of these things, and many more, can and do happen in violent hauntings that are the result of occult involvement. Here are some other examples:
- Being bitten
- Being slapped
- Being punched
- Being thrown
- Objects hurled through the air
- People being hit by flying objects
- Fires mysteriously starting in the home
- Drywall being torn out in chunks
- Beds shaking and 'jumping' up and down
- Heavy objects thrown or moved (i.e., dressers, tables)
- Doors slamming shut
- Seeing black shapes
- Hearing voices
- Hearing growling
... These "games" are deadly serious; not only for you, but also for your children, and potentially their children and so on through many generations.
God punishes sin. This is a fact. Many do not realize, though, that this punishment can extend to our children and beyond - especially when we are dealing with things that are ABOMINATIONS in God's sight. Consider the following passage from Exodus:
And he passed in front of Moses, proclaiming, "The Lord , the Lord, the compassionate and
gracious God, slow to anger, abounding in love and faithfulness, maintaining love to thousands, and forgiving wickedness, rebellion and sin. Yet he does not leave the guilty unpunished; he punishes the children and their children for the sin of the fathers to the third and fourth generation." (Exodus 34:6-8)
God is so Holy and sin is so offensive to Him - so much so that the sins of the father fall not only on the father, but on his progeny. Is it any wonder, then, why generational hauntings and curses are a reality?
Yet, God is also merciful - He is mercy itself - and will deliver those who are generationally haunted and cursed if they but turn to Him and ask forgiveness for their sins, and the sins of their ancestors, and decide to live a holy life pleasing to Him.
If you want to remain in God's mercy, and if you want to bring blessings on your children, then choose to live a life pleasing to God. If you have engaged in occult practices at any point in your life, you need to repent. If you are Catholic, you need to confess these sins to a priest and receive absolution. It is also important to reclaim ground claimed by Satan by our involvement in these things.
FINAL THOUGHTS
Deliverance counselors and professionals in this field resoundingly agree: Divination and involvement in the occult is one of the more common causes of extraordinary demonization - both of persons and of places. If you do not want to be plagued by the enemy, don't play in his sandbox. If you do, you will get sand between your toes.
In this page we have listed several concrete examples of occult practices and what can happen to those who dabble in them. These are only a few of the things that can cause demonization even when one has done them only out of curiosity. A playful and innocent indulgence at a Carnival can potentially cause years of nightmare.
Another interesting phenomenon that we have heard from some individuals seeking to justify their actions is along these lines, "Well, this person is not a 'psychic'. He/she is a Christian and lives a very holy life." Brothers and sisters, believe us when we say that the Gifts of the Spirit, given by God for the building up of the Body of Christ (the Church) are not powers that we can turn on and off. They are driven by the will of God - not ours. A person who claims that they give psychic readings from God on demand is not of God. They are either charlatans or their power comes from the enemy.
....................................................
Therefore, fellow Filipinos, let us examine our practices in celebrating the new year.
May this occasion be an opportunity to renounce all that is evil in our lives and NOT TO INVITE THE DEVIL TO RUN OUR LIVES.
For prayers on delivering oneself from evil, please go to the Files section of http://groups.yahoo.com/group/knightsofsaintbenedict/
A Blessed New Year to all!
Thursday, November 12, 2009
Prayer to St. Michael the Archangel
St. Peter said “be sober and watch, because your adversary the devil as a roaring lion, goes about seeking whom he may devour” (1 Peter 5:8). St. Paul calls us to surround ourselves with the "armor of God" in his letter to the Ephesians. Prayer and the sacraments are the essential parts of this armor-- for God allows Satan's temptations, but not without equipping us with the grace to fight the devil.
In 1890, Pope Leo XIII had a vision of devils being released from hell and trying to destroy the Church. Then, St. Michael the Archangel appeared and cast Satan and his legions back into hell. The Holy Father wrote a prayer out of this vision and asked that it be recited after every mass.
In his Regina Coeli address on April 24, 1994, the late Pope John Paul II said of this prayer:
"I ask everyone not to forget it and to recite it to obtain help in the battle against forces of darkness and against the spirit of this world."'
The Prayer to St. Michael is no longer recited after the mass but the faithful are highly encouraged to include it in their daily prayers.
Here's the short version:
Saint Michael the Archangel,
defend us in battle.
Be our protection against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray;
and do Thou, O Prince of the Heavenly Host -
by the Divine Power of God -
cast into hell, satan and all the evil spirits,
who roam throughout the world seeking the ruin of souls. Amen.
Sancte Michael Archangele,
defende nos in proelio;
contra nequitiam et insidias diaboli esto praesidium.
Imperet illi Deus, supplices deprecamur:
tuque, Princeps militiae Caelestis,
satanam aliosque spiritus malignos,
qui ad perditionem animarum pervagantur in mundo,
divina virtute in infernum detrude.
Amen.
Healing and Deliverance On-the-Air at Radio Veritas
Fortunately, thanks to a group passionate about their mission of saving souls, those interested can now tune in to Radio Veritas (846 on your AM dial) every Tuesday at 7:00 pm to learn about the teachings of the Catholic Church regarding the topic.
Those who are struggling with their physical, emotional and spiritual health will also gain much from listening to the show.
Saturday, October 31, 2009
Maka-Kristiyano ba ang Halloween?
Monday, October 19, 2009
Nobena para sa Mahal na Yumao
Pagsisiyam para sa mga Kaluluwa sa Purgatoryo
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Lumuhod ang lahat)
O Amang Walang Hanggan, iniaalay ko sa Iyo ang kamahal- mahalang Dugo ng Iyong Anak na si Hesus, sa pakikiisa sa lahat ng mga Misa na iniaalay sa araw na ito, para sa lahat ng mga kaluluwa sa purgatoryo at para sa lahat ng mga makasalanan sa lahat ng dako, para sa mga makasalanan sa Simbahan sa buong daigdig, yaong nasa aking tahanan at yaong nasa aking mag-anak. Amen.
Mapagmahal na Hesus, buong kapakumbabaang hinihiling ko sa Iyo na ialay Mo sa Iyong Amang walang hanggan ang Iyong kamahal-mahalang dugo na dumaloy mula sa mga banal na sugat ng Iyong kapita- pitagang Katawan, sampu ng Iyong pagdurusa at ng Iyong kamatayan para sa mga kaluluwa sa purgatoryo.
O Namimighating Birheng Maria, iharap mo sa Amang makalangit, kasama ng malungkot na pagpapakasakit ng iyong Anak, ang iyong sariling pighati, luha at lahat ng hapis na iyong ipinagdusa kaisa Niya, upang madulutan ng kaginhawahan ang mga kaluluwang nagdurusa sa nag-aalab na paghihirap sa purgatoryo, upang sa pagkakahango mula sa masakit na bilangguan, makamtan nila ang kaluwalhatian sa langit at doo'y awitin nila ang kapurihan ng Diyos magpasawalang-hanggan. Amen.
(Umupo ang lahat)
Unang Araw
"Sapagkat kung hindi siya sumasamapalataya sa muling pagkabuhay ng mga mabuwal ay magiging isang bagay na kalabisan at walang kabuluhan ang pagdadalangin sa mga yumao. Bukod dito ay kanyang pinahahalagahan ang napakagandang gantimpalang nakalaan sa mga namamatay sa kabanalan." 2 Mga Macabeo 12:4-45
Kasalanan ang balakid sa pag-unlad ng mga lalaki at babae. Ang tunay na pag-unlad ay ang makapanhik ang tao sa Diyos. Kasalanan lamang ang nagiging sagabal dito.
Ang bisyo at krimen ay nawawaksi sa tao na tila mga hayop samantalang sila ay dapat umangat patungo sa mga Anghel.
Ang mamatay sa kasalanang mortal ay nangangahulugan ng walang hanggang kabiguan, ang impiyerno. Inilulugmok nito ang tao, na ang nakatalagang kapalaran ay dumanas ng kaluwalhatiang walang hanggan, sa walang hanggang kawalan at pagdurusa.
Ang kamatayan sa kasalanang benyal o kasalanang may nauukol na kaparusahan habang ito ay nasa kaluluwa pa ay nangangahulugang natamo na ang kagitna ng pag-unlad patungo sa langit. Ang mga kawawang kaluluwa-- kawawa sa kanilang pagnanasa na maabot na ang Diyos at ang kabagot-bagot na pagkabalam ng kanilang pakikiisa sa Kanya-- ay kailangang magtagal pa sa bahay-kulungang ito.
Ito ang purgatoryo, isang lugar ng tigib ng hapis at kainip-inip na paghihintay.
Ikalawang Araw
"'Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong tibo?' Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay ang batas. Ngunit salamat sa Diyos na nagbigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng Panginoon nating Hesukristo." 1 Corinto 15:55-57
Wala nang hihigit pa sa paghihirap ng isang kinapal kaysa sa paghihintay nang tigib sa sakit. Lahat ng kaluluwa sa purgatoryo ay nakatitiyak na makararating sa Langit balang araw.
Alam nila na kahanga-hanga ang langit at kanais-nais ang Diyos. Subali't hindi nila masundan ang marahas na pagnanasa na nagtutulak sa kanila patungo sa kanilang kaligayahan. Magugutom sila sa Panginoon at ipagkakait pa rin sa kanila ang pag-aari sa Kanya.
Ang impiyerno ay kadiliman at walang pag-asang lumbay. Sa purgatoryo, may pag- asa at katiyakan, pag-ibig at pananabik-- at mahabang panahon ng paghihintay, paghihintay, paghihintay.
May pagdurusa din sa purgatoryo, pagdurusa dulot ng paghuhugas sa apoy sa lahat ng bahid ng kasalanan at paglilinis sa apuyan sa mga kaluluwa bago pumasok sa Presensya ng kabanal-banalang Diyos. Subali't ang tunay na sakit sa purgatoryo ay ang marubdob na pagmimithi sa Panginoon, na halos abot- kamay, at ang masidhing pananabik na makauwi sa langit, na abot-tanaw na ay hindi pa rin makamtan.
Walang kaluluwang may bahid dungis ng kasalanan ang makakapasok sa kalangitan. Kaya't sa purgatoryo ay hinuhugasan ang dungis, kung saan ang mga kaluluwa na nakatalaga sa kaluwalhatian ay inihahanda sa pagdurusa at nakakabagot na pagkaantala ng pinakamimithing pakikiisa sa Diyos.
Ikatlong Araw
"Kung si Kristo ay sumainyo, kahit patay ang katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ay buhay dahil sa kabanalan. Kung ang Espiritu niyaong muling bumuhay kay Hesus ang mananahan sa inyo, ang bumuhay na mag-uli kay Kristo Hesus ang siya ring bubuhay sa inyong mga katawang namamatay sa pamamagitan din ng Espiritu na nananahan sa inyo." Romano 8:8-11
Ang buhay sa lupa ay panahon ng pagtatamasa ng merito. Kung sa pamamagitan ng mga pagpapakasakit tatamasa tayo ng mayamang biyaya ni Kristo at ng mga Banal, mahuhugasan ang bahid ng mga napatawad nang kasalanan, at mapapawi ang kaparusahan sa mga kasalanang benyal, ito ay atin ring matatamo sa pamamagitan ng pagtitika at sa pagkakawang-gawa.
Sa sandaling ang kaluluwa ay pumasok na ng purgatoryo, ang panahon para umani ng merito para sa kaluluwang iyon ay tapos na.
Kung tayo ay nakararanas ng pagdurusa sa lupa, maari nating ialay ang ating pagdurusa sa Diyos; sa pamamagitan nito ay madaragdagan ang ating kaligayahan sa kinabukasan at maiiwasan ang sakit ng purgatoryo.
Kapag ang isang kaluluwa ay nagdurusa sa purgatoryo, dahan-dahan at buong hirap niyang binubura ang mga pagkakautang ng kasalanan subali't wala na siyang matatamong karagdagang biyaya para sa langit. Walang mga biyaya sa purgatoryo, o panibagong paggamit ng mga merito ni Kristo, ng Kanyang Ina, o ng mga Banal.
Subali't, salamat sa ating pakikiisa sa Mistikal na Katawan ni Kristo, salamat sa komunyon ng mga Banal, makakaani tayo ng biyaya para sa mga kaluluwang nagdurusa. Ang mga biyayang ito ay ating maiaalay para sa kanilang panahon ng paghihintay. Mababawasan natin ang kanilang paghihirap at mapapadali ang kanilang pagpasok sa langit sa tulong ng anumang kabutihan na iaalay natin para sa kanila dito sa lupa.
Ika-apat na Araw
"Subalit kung tayo ay namatay na kasama ni Kristo, sumasampalataya tayong mabubuhay na kasama ni Kristo, sapagka't alam natin na si Kristo na muling nabubuhay ay hindi na mamamatay; wala nang kapangyarihan sa Kanya ang kamatayan. Ang Kanyang kamatayan na pagkamatay dahil sa kasalanan ay minsan lamang alang-alang sa lahat; ang Kanyang buhay naman ay buhay alang- alang sa Diyos. Gayundin naman ipalagay ninyo na kayo ay patay na sa kasalanan, ngunit nabubuhay sa Diyos kay Kristo Hesus." Romano 6:8-11
Napakabilis mapukaw sa isipan ng tao ang alaala ng kanilang mahal na yumao. Ang alaala ay tulad ng mga luhang pumatak sa isang kabaong-- sandaling sumingaw, kaybilis natuyo.
Sa mabilis na pagdaraan ng mga araw, madaling makalimot ang mga buhay. Ang kapit ng mga dating kasamahan at pagtatatag ng mga bagong kaibigan ay dahilan upang matabunan at masiksik sa maalikabok na sulok ng alaalala ang mga kaibigang ngayon ay nakatago na sa bilangguan ng Diyos. Subali't ang mga bilanggong ito ay hindi nakakalimot sa atin.
Sa mabagal at masakit na pagdaraan ng mga araw, may panahon silang makaalala. Napakasidhi ng kanilang pagkagutom sa Diyos kaya't walang puwang sa kanilang puso ang bagong kasamahan. Higit silang nagiging maramdamin, tulad ng kung may sakit tayo ay nagiging maramdamin, sa alaala, sa kapabayaan, sa pag- asa sa kaligtasan, sa kaalaman na ang mga taong malakas na nagsitangis noon ng kanilang pagmamahal ay daglian nang nakalimot.
Nakakintal nang buong pasasalamat sa kanilang puso ang mga taong hindi nagpapabaya sa kanila. Buong kalungkutan din na inaalala nila yaong dagliang nakalimot na. ipinagdarasal nila sa Diyos, na nagmamahal sa kanila kahit sa kanilang bilangguan, ang mga maalalahanin at mapaglingap. Iniluluhog nila na ang mga nagtulak sa kanilang palayo sa mga malapit at mga buhay ay mag-iiwan sa kanilang bahay-kulungan ng isang pag-alaala, isang panalangin, isang pagkakawang-gawa bilang pagtubos.
Ikalimang Araw
"Alalahanin mo na si Hesukristo, na muling nabuhay, ay buhat sa lahi ni David, ayon sa aking Ebanghelyo… kaya dapat sampalatayaan ang pananalitang ito: Kung namatay tayong kasama Niya ay mabubuhay din tayong kasama Niya. Kung itatatuwa natin Siya, itatatuwa rin Niya tayo. Kung hindi tayo tapat, mananatili Siyang matapat, palibhasa ay di Niya maaring itatuwa ang Kanyang sarili." 2 Timoteo 2:8, 11-13
Ang mga nasa purgatoryo ay kaibigan ng Diyos. Ang mga kaluluwang ito ay ligtas na. Ang kanilang mga korona ay naghihintay sa kanila, ang kanilang mga trono ay nakahanda na, ang kanilang mansyon ay ayos na.
Napakalalim ang pagmamahal sa kanila ng Diyos, gaya ng pagmamahal Niya sa Kaniyang matatapat na mga anak na ipinaglaban ang mabuting pakikibaka.
Ang kanilang mga panalangin para sa iba ay tuwirang dumarating sa Kaniyang luklukan. Hindi na nila maipagdarasal ang kanilang sarili; ang panahon ng kanilang biyaya ay tapos na. Sila ay nakapagdarasal, at sila ay nagdarasal, para sa kanilang mga minamahal sa lupa. Ang mapagmahal na ina sa purgatoryo ay namamagitan para sa kaniyang mga anak. Ang mapamintuhong ama ngayon ay higit na mapamintuho. Ang mga kaibigan ay hindi nakalimutan ang kahalagahan ng kanilang pagkakaibigan. Ang mga kamag-anak ay nakatali sa atin nang higit na malapit kaysa dugo.
Halos lahat ng mga Banal na Kaluluwa ay ipinagdarasal ang mga naghahandog sa kanila ng pakinabang. Sa sandali nating pag-alala sa kanila ay nagwawagi tayo ng malaking bilang ng pakinabang mula sa kanila. Nagdarasal tayo nang hindi nag-iisip; ang kanilang pagdarasal ay ang mataimtim na dasal ng mga kaluluwang palapit nang palapit na sa Diyos. Humihingi tayo ng kaligtasan; idinudulog nila sa Diyos na gantimpalaan tayo ng isang libong pagpapala.
Ika-anim na Araw
"Si Kristo man ay namatay nang minsan lamang alang- alang sa lahat dahil sa mga kasalanan, ang banal dahil sa kasalanan, upang dalhin tayo sa Diyos; pinatay ayon sa laman, ngunit binuhay ayon sa espiritu. Ang binyag na kawangis nito ang siyang nagliligtas sa inyo ngayon, na hindi nag-aalis ng dumi ng katawan kundi nagtatamo sa Diyos ng isang mabuting budhi sa bisa ng muling pagkabuhay ni Hesukristo na pagkatungo sa Langit ay nasa kanan ng Diyos at ipinailalim sa kanya ang mga anghel, mga potestad at mga birtud." 1 Pedro 3:18, 21-22
Ang pagkagutom ng kaluluwa sa Diyos ay higit pa kaysa sa kagutuman ng katawan sa pagkain. Sa sangkalupaan tayo ay nababahala sa kalayawan ng buhay na nakapaligid sa atin. Sa purgatoryo, walang kaabalahan. Ang kanilang mga mata ay nakatuon lamang sa nakapinid na pintuan ng Langit. Ang mga Banal na Kaluluwa ay naghahangad sa Diyos, nananabik sa Diyos, nauuhaw at nagugutom sa Diyos.
Ang hatol ng kanilang kaparusahan ay laging nasa kanilang pandinig: kaya't matagal kayong mananatiling malayo sa inyong kagalakan, hanggang itong mga kasalanan, mga maling gawain, dungis at mantsa ay napagdusahan na.
Natitimbang sa kanilang pumupugnaw na pagkagutom sa Diyos ay ang katiyakan na hindi sila makakapasok sa Kaniyang Presensya na may kaunting bahid. Higit nilang ninanais na maging higit na matindi ang apoy upang maging higit na mabilis ang paglilinis.
Isipin natin ang kanilang pasasalamat sa bawat panalangin o mabuting gawain na ating gagampanan upang tulungan silang mahugasan ang kanilang mga kasalanan at mapadali ang kanilang pagtungo sa Diyos. Isipin ang nag-uumapaw sa galak na pagtanggap nila sa anumang gawain natin na magpapaikli at puputol sa kanilang pagtigil sa purgatoryo, at magpapabilis sa kanilang pagpasok sa Kalangitan.
Ikapitong Araw
"Walang sinuman sa atin ang nabubuhay sa sarili, at walang namamatay alang-alang sa sarili. Kung nabubuhay tayo, sa Panginoon tayo nabubuhay; kung tayo ay namamatay, sa Panginoon tayo namamatay. Kaya't mabuhay man tayo o mamatay, tayo'y sa Panginoon. Sapagkat dahil dito ay namatay si Kristo at nabuhay na muli upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay." Romano 14:7-9
Ano ang pagkain sa nagugutom? Ano ang inumin sa tigang na lalamunan? Ano ang liwanag sa taong matagal nang bulag? Ano ang bagong kalusugan sa taong lumpo? Ano ang kalayaan sa bilanggo? Lahat ng ito at higit pa ay ang kaligtasan sa purgatoryo ng isang Banal na Kaluluwa.
At kung ang pagkain, kalusugan at kalayaan ay dumating nang biglaan at hindi inaasahan, ang puso ng tao ay lumulukso at bumibilis ang pagtibok, at ang kaluluwa'y nakararanas ng masidhi't nag-uumapaw na kagalakan.
Gayun din sa bawat dalangin na sambitin natin para sa mga kaluluwa sa purgatoryo na humihingi ng awa. Ang ating panalangin ay pagkain at tubig, ilaw at kalusugan; ito ay isang pagpapaliban at pagkakalas, kalayaan at pagbabalik. Ito ang kumakalag sa pagkakagapos, ang pagpapaikli ng kabagot-bagot na paghihintay, ang katapusan ng pagkabilanggo, ang biglaang maluwalhating pag-aangat at mabilis na paglipad pataas tungo sa gitna ng kanilanng kagalakan-- ang Diyos.
Para sa atin, ang panalangin na iyon ay hindi masyadong makabuluhan; isang pangkaraniwang pagkakawang-gawa. Pagdarasal, paglilimos, pag-aayuno, isang mabuting gawain… lahat ay inililibing sa limot sa katagalan. Subali't sa mga kaluluwa, ang mga gawaing ito ay hindi masusukat ang kahalagahan, utang na walang hanggang babayaran sa atin.
Ikawalong Araw
"… makikita nila ang Kanyang Mukha at tataglayin ang Kanyang Pangalan sa kanilang noo. At hindi na magkakaroon doon ng gabi, hindi mangangailangan ng liwanag ng ilawan o ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang siyang tatanglaw sa kanila at maghahari sila magpakailanman at magpasawalang-hanggan." Pahayag 22:4-5
At darating ang maligayang araw ng pagpapalaya. Para sa mga kaibigan sa lupa na nakalimot at sa mga hindi nakatanggap ng di-pangkaraniwang paghatol ng Diyos, ang kalayaan ay natatamo lamang pagkaraan ng maraming mahaba at mapait na mga siglo. Kaya ang kanilang paglaya ay dumarating nang higit na maaga kaysa sa kanilang inaasahan. Ngayon nila naaalala ang mga kaibigang nagbuhos ng mga panalangin para sa kanila, mga panalanging tinanggap ng Diyos bilang kabayaran ng isang sangkap o ng buo nilang pagkakautang.
Huli man o maaga, ang kalayaan ay nakakamtan, ang paghuhusga ay natatapos, ang malagim na pintuan ng purgatoryo ay nabubuksan. Sa unahan ay ang mga mapuputi at kumikislap na haligi ng lungsod na walang simula. Tulad ng bugso ng liwanag, ang napalayang kaluluwa ay mabilis na lumilipad patungo sa Diyos. Ang mabagsik na hangin ay hindi kayang pantayan ang balasik ng paglipad ng kaluluwa mula sa bilangguan patungo sa kaligayahan na inilaan sa kanya ng Diyos.
Doon, sa presensya ng Diyos, ay ang sandali ng tagumpay. Ang pagtanggap ng Tatlong Persona. ang pagpasok sa mansyon ng kalangitan, ang pagluluklok sa isa pang banal. Sa sandaling iyon ay makakamtan ng kaluluwa ang walang simulang kaligayahan at walang kapantay na kaluwalhatian na walang kapintasan, na hindi na madurungisan ng pag-aalang-alang o pandaraya. Sa sandaling ito ay inaari na ng Diyos ang mga kaluluwa sa hangganang walang simula.
Ikasiyam na Araw
"Lahat ng ipinagkakatiwala sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at sino mang lumapit sa akin ay hindi ko itataboy. Sapagkat nanaog ako mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na huwag kong iwala ang kahit alin sa tanang ipanagkatiwala niya sa akin kundi bagkus buhayin kong muli sa huling araw. Ito nga ang kalooban ng aking Ama na ang lahat ng makakita sa anak at sumasampalataya sa kanya ay magkamit ng buhay na walang hanggan at buhayin ko siyang muli sa huling araw." Juan 6:37-40
Sa kabila ng kanilang kagalakan, ang mga kaluluwa sa Langit ay hindi nakakalimot. Bagkus, lalo silang nagiging buhay sa alaala dahil sa kanilang kagalakan. Sa kaluluwang nasa kaluwalhatian, sa lahat ng sandali ay nakakintal sa kaniyang alaala ang mga mapagpalang kaibigan sa lupa na tumutulong sa kanyang marating ang Diyos at ang kaluwalhatian.
Ngayong siya ay isa nang banal sa Langit, ginagamit niya ang kanyang lakas bilang tagapamagitan. Nanalangin siya sa Diyos na maging maawain at mapagbigay sa mga taong sa kanya ay naging maawain at mapagbigay. Kay Kristo at kay Maria ay isa-isa niyang binabanggit sa pangalan ang mga tumutulong sa kanya sa panahong siya ay hindi makatulong sa kanyang sarili. Kinakausap niya ang Tatlong Persona tungkol sa kanyang mga kaibigan.
Siya ay nagiging malakas na tagapaghandog, masigasig na nakikiusap sa Diyos na magbigay ng awa at maghandog ng biyaya sa mga taong nakaalala sa kanya sa purgatoryo. Ang panalangin niya ay mataimtim at masidhi sa bagong kagalakan na ang kanilang paglalakbay sa landas ng buhay ay magiging ligtas, at ang kanilang pagpasok sa Langit ay maging mabilis at tagumpay. Nagdarasal siya na balang-araw sila rin ay makaranas ng tuwirang paningin sa Diyos (Beatific Vision), at makikita ang Diyos sa walang hangganan at walang simula. Ito ang kanyang walang pagdaramot na kagustuhan-- na makabahagi tayo sa napakalaking kaluwalhatian na hinihiling nating ipadala sa atin.
(Lumuhod ang lahat)
Mahabaging Ama, sa pakikiisa sa mga Banal sa Kalangitan, ipinamamanhik naming kaawaan Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Isaalang- alang Mo ang walang maliw Mong pag-ibig para sa kanila at kaawaan Mo sila alang- alang sa walang katapusang biyaya ng Iyong minamahal na Anak. Kalugdan Mo pong palayain sila mula sa sakit at pighati upang kanilang matamasa ang walang hanggang kapayapaan at kagalakan.
Mapagmahal na Manunubos, Kristo Hesus, Ikaw ang Hari ng mga hari sa lupang maluwalhati. Isinasamo namin na, sa Iyong awa, dinggin ang aming mga panalangin at palayain ang mga kaluluwa mula sa purgatoryo. Akaying Mo sila mula sa bilangguan ng kadiliman patungo sa liwanag at kalayaan ng mga anak ng Diyos sa Iyong maluwalhating kaharian. Tubusin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong Kamahal-mahalang Dugo at iligtas Mo sila sa walang hanggang kamatayan.
Espiritu Santo, Panginoon ng Kaliwanagan, pagningasin Mo sa amin ang apoy ng pag-ibig upang mailay namin ang aming mga panalangin at kusang pagpapakasakit para sa mga nagdurusang mga kaluluwa sa purgatoryo. Nais naming ialay ang mga biyaya ng debosyong ito para sa lahat ng kasapi ng Simbahang Naghihirap, lalo't higit, para sa mga pumanaw naming mahal sa buhay. Dinggin ang aming panalangin upang makaisa namin sila sa kaharian ng Iyong kaluwalhatian, Ama, Anak, at Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.
LITANYA PARA SA MGA BANAL NA KALULUWA
Makapangyarihang Diyos, Ama ng kabutihan at pag-ibig, kaawaan Mo ang mga abang kaluluwang nagdurusa at pagkalooban sila ng Iyong saklolo.
Sa aming mga magulang at ninuno, *Panginoon, kaawaan Mo sila.
Sa aming mga kapatid at kamag-anakan, *
Sa aming mga tagatangkilik sa mga bagay na espiritwal at materyal, *
Sa mga dati naming kaibigan at tagasunod, *
Sa lahat ng dapat naming ipagdasal alang-alang sa pag-ibig o tungkulin, *
Sa lahat ng nagdusa at nasaktan namin, *
Sa lahat ng lumapastangan sa amin, *
Sa lahat ng mga pinakamamahal Mo, *
Sa lahat ng mga napipintong palayain, *
Sa lahat ng may masidhing paghahangad na makapiling Ka, *
Sa lahat ng lumalasap ng pinakamatinding pagdurusa, *
Sa lahat ng mga malayo pa ang paglaya, *
Sa lahat ng mga hindi naaalaala, *
Sa lahat ng mga lalong karapat-dapat tulungan alang-alang sa kanilang paglilingkod sa Simbahan, *
Sa mga mayayamang sila ngayong dusta, *
Sa mga makapangyarihang sila ngayong hamak, *
Sa mga bulag na ngayo'y nakakakita na ng kanilang kapalaluan, *
Sa mga tamad na nagsayang ng kanilang panahon, *
Sa mga maralitang hindi naghangad ng makalangit na kayamanan, *
Sa mga nanlamig na di nag-ukol ng sapat na panahon sa panalangin, *
Sa mga batugang nagpabaya sa paggawa ng kabutihan, *
Sa mga maliliit ang pananampalataya na nakaligtaan ang malimit na pagtanggap ng mga Sakramento, *
Sa mga mapaggawa ng kasalanan, na utang ang kanilang kaligtasan sa himala ng biyaya, *
Sa mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak, *
Sa mga may kapangyarihang hindi kumalinga sa kaligtasan ng mga ipinagkatiwala sa kanila, *
Sa mga kaluluwang mga walang hinangad kundi kayamanan at kaaliwan, *
Sa mga makamundo na hindi ginamit ang kanilang kayamanan at kakayahan sa paglilingkod sa Diyos, *
Sa mga nakasaksi sa kamatayan ng iba na di man lamang naisip ang sarili nilang pagpanaw, *
Sa mga hindi naglaan para sa kanilang mahabang paglalakbay sa kabilang buhay, *
Sa mga nagdurusa ng mabibigat na kaparusahan dahil sa malalaki nilang pananagutan sa lupa, *
Sa mga Papa, pinuno, hari at prinsipe, *
Sa mga Obispo at kanilang tagapagpayo, *
Sa mga yumaong pari ng aming diyosesis, *
Sa mga pari at relihiyoso ng buong Simbahan, *
Sa mga tagapagtanggol ng Pananampalataya, *
Sa mga kawal ng namatay sa labanan, *
Sa mga nakalibing sa karagatan, *
Sa mga biglang namatay, *
Sa mga namatay na hindi nakatanggap ng huling sakramento, *
Sa mga mamamatay sa araw na ito, *
Sa aking sariling kaluluwa kapag panahon na ng pagharap sa Iyong hukuman, Panginoon, kaawaan Mo ako.
Pinuno : Pagkalooban Mo sila ng walang hanggang kapahingahan, O Panginoon.
Lahat : At sikatan nawa sila ng Iyong walang hanggang liwanag.
Pinuno : Mapanatag nawa sila.
Lahat : Amen.